Wednesday, July 8, 2009

Wow!

.



'Just got invited to speak at The National Book Development Board! Biggie!

Tuesday, June 16, 2009

Blush

(I'm leapin' out of my skin as I write this!)


MATANDA na ako (ng konti), pero marunong pa rin akong mag-blush.

Mag-blush—hindi yung emyaz (make-up) na nakabote o nakasiksik sa garapon, lalong hindi yung binasa ng laway mula sa pulang crepe paper na ipapahid sa maliliit na bundok ng cheekbones—kundi yung naghuhunyangong rosas sa pisngi kapag nag-uunahang umagos ang agua de sangre mula sa tinta ng mga ugat hanggang sa lumatag sa kanilang destinasyon—ang fez mo.

At bakit naman hindi ako magba-blush kung naglalangib sa papuri ang Masculadoll, ang una kong libro sa Filipino? Sa halip na magyabang, ang mag-blush ang drama ko. Samahan ko pa ng kiming hihihi at mahihiya na si Dakota Fanning sa pagka-tweetums.

Isang pagbabakasakali lamang ang Masculadoll, isang try-ko-nga project na kung pumalpak ay ipapasa-better-luck-next-time ko na lamang. Pero keri pala sa mga becky (as in bakla, anovey?!) at sa mga pa-derederecho pa (straights). Namutaktak ang celfone ko ng omg, kktwa nmn! Wrt k p buy aq giv q 2frends! at binayo ang Inbox ko ng anokabah, Louie, gahleng-gahleng naman ng ateh koh. At maging sa mga rampahan, may mga lumalapit sa akin at, gosh, nagpapa-autograph! Lalo akong napapa-hihihi, potashet, mauubos yata ang supply ko ng ‘h’ sa taong itoh.

Wednesday, May 20, 2009

Masculadoll

(Mula sa Pang-Apat kong libro)



“SA LAMLAM ng hapon sumabay ang lungkot na bumalot sa buong Ortigas. Nasa ika-tatlumpu’t limang palapag ako, at mula sa aking kinatatayuan, mistulan akong dyosa sa aking kaharian ng mga gusaling nagtatayugan sa aking harapan. Abot-tanaw ko ang lahat—ang Makati, ang Mandaluyong, San Juan at Quezon City—para silang mga mumunting kahariang abot-kamay ko lamang…”

Korni. Erase.

“Bakal ang katapat ng lungkot ko, pero lahat ay natutunaw sa aking puso. Dinalaw na naman ako ng alaala niya. Ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Iniisip din ba nya ako?”

Leche, enough with the memories of HeWhoseNameShallNotBeSpoken! Nababarubal na ang emosyon ko. Nagtatae na ang puso ko sa arnibal, nasusuka na ako sa mga buntung-hininga at mga halik sa hangin. Nakakabaog nang magsilang pa ng mga hinanakit ng pag-ibig.

Erase, erase.

Mas mabuti yatang halukayin ang mga nasa loob ko at mag-imbentaryo ng mga damdaming nagsusumiksik sa bawat sulok para makahanap ng pwede kong isulat. Bumiyahe ako sa loob at sa mga liblib na pasilyo ng memorya nakabuyangyang ang mga kalaswaang naipon ko sa loob ng isang buwan at limang araw buhat nang magkahiwalay kami ng shititang Ex.

Namakyaw ako ng hada sa kalye, nagpasaya ng mga effem sa Murphy, nagpista sa akin ang kabaklaan ng Malate, nagpakasasa at pinagsasaan ako sa mother cruise ship g4m (Oo na, ako na si Dina Bonnevie na tinatalakan ni Ate Vi sa Palimos ng Pag-ibig—“Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!”).

Lafang galore ang drama ko lately. Ng laman.

Nagkukutkot ng bagets, nanggigigil sa kapwa maskuladong brusko pink at nagpapa-delicious sa mga manyonders. Every now and then mega-visit pa rin ang alaala ni HeWhoseNameShallNotBeSpoken, pero sinasabi ko na lang sa sarili ko—bukas na lang, busy ako!

Andito ako para makipag-date sa bakal. Pangalawang tahanan ko na ang gym. Inaampon nito ang mga sakit sa kalamnan at kadalasan, ito rin ang nagkukupkop ng mga kati ng laman.

Madalas magtama ang mga tingin ng m2m sa Free Weights Area—malalagkhet na parang shet, may mga gustong sabihin. Naglalakbay ang mga tingin—mula sa Cycling Studio papunta sa shower room hanggang sa sauna (na tinawag ko nang Masturbatorium sa dami ng mga sanggol na walang inang tumatalsik doon). Malikot ang mga tingin—mula mata pababa sa dibdib hanggang abs at puson at kalimita’y humihimpil sa mga bukol sa harapan ng mga basa sa pawis na mga jogging pants o jersey shorts.

May senyas na dumapo sa akin, nagsabing “duon tayo mamaya sa wet sauna…” pero binato ko lamang ng isang nagmamagandang “bukas na lang, busy ako…” Anobakobali? Pawisan ka tapos papasubo mo sa akin ang alaga mong alam kong maalat pa sa Chippy?!!

HAHAHA!

Baliw na yata ako, nakakarinig na ako ng mga halakhak na tunog Elvira Manahan sa paligid ko.

“That’s so funny!” sabi pa rin ng halakhak, inglesera ito at may New Yorker accent na para bang isang call center agent na nagbebenta ng kung ano.

“I would love to read more!” Nasa likod ko ang halakhak galing sa isang maskuladong pamhinta. Naka-sweat pants, puting sando (pero parang blouse), sa leeg niya’s may nakasabit na dogtag na kumikislot sa kislap kapag nakakahuli ng liwanag, sa mata niya’s may panunukso, at sa labi’y may ngiting may malisya. Pumuputok ang dibdib, parang gustong kumawala sa suot niya. Parang may ibang lenggwahe ang kanyang mga braso at gusto ko silang kausapin ng aking mga haplos. Higit sa lahat, may pangakong dala ang nakabukol sa harap nya. Punyeta, ang yummy.

“Hey, you’re reading my stuff!” kunwaring patuya kong sinabi sabay tiklop ng laptop at papungay ng chinita kong mga mata.

“Oh, I’m sorry, but your stuff is so funny talaga. Your screen is set on 150% view mode, I couldn’t help it. That Chippy line was so, so funny! I hope you don‘t mind I was peeking through your writing…”

Malandhing hmp! ang sinukli ko, tinamisan ko ang ngiti…”Okey lang…” sabi ko na halos hindi naibuka ang bibig.

“Are you a writer?”

“Uhm, among other things…”

“Interesting…”

May nakaguhit na hihihi sa labi ko, pero hindi ko pinakawalan at baka lumamya ang hatsing ng pagka-pamhinta ko.

“Crab sandwich, Caesar’s green salad and soya drink?”

“Huh?” Magaling ako magmaang-maangan.

“Lunch. My treat.”

Napangiti ako.

Tama si Ate Vi—bukas na naman ang karinderya ko.




PARANG langit. May lambing ang mainit na usok. Sumisinghap ng ulap ang mga dingding, pati ang salamin na pintuan ng langit ay pinagpapawisan. Gumuguhit ang pananabik nito sa kanyang nasasaksihan sa loob. Sumisigaw din ang mga dingding at kisame, inuulit ang mga naririnig nila. Dinig nila ang mga hingal, dumadaing pero di nasasaktan. Ungol-sarap. Sarap-ungol.

Kumukulog ang dibdib ko, may bagyong rumaragasa, walang patumangga, nananalanta. Nakapinta sa kanyang mukha ang mga mata ng dyablo—nangangalit—samantalang bumubula sa butil ng pawis ang kanyang tikas.

Pumipintig. Bumibilog.

Pilit nitong kinakalas ang buhol ng kalungkutan sa lalamunan ko. Pilit na nagsusumiksik sa bawat sulok ng lalamunan ang kanina’y nakapinta lamang sa imahinasyon ko. Sandali akong hihigop ng hangin at saka muling malulunod.
Lumuluha na ang mga mata ko—ito ba ang magpapapalaya sa akin mula sa alaala niya? Walang kurap, pitik-bulag na nilalasap ang bawat himay ng sandali na iniipon sa alkansya ng memorya. Wala akong itatapon sa limot, sabi ko, lahat ikikintal sa isip.

Mandirigma ang nasa loob, walang pasintabi, walang patumangga—ganun nang ganun habang sapo ng kanyang mga kamao ang ulo ko. Tumigil ang mundo at huminto ang pag-ulos at nanahanan ng buong-buo sa kaloob-looban.
Pumipintig. Bumibilog.

Sa kailaliman, kumatas, sumabog. Sumabay sa bula ng laway, sa butil ng pawis at sa maliliit na ilog ng maaalat na luha.
Pumintig. Bumilog.

And then I’ve realized—sa langit ma’y may Chippy rin.



Sunday, May 3, 2009

Batibot

(Excerpt mula sa susunod kong libro.)



MAAGA akong natutong mag-Batibot (nag-utak latak ka na naman, hindi iyong pagja-Jackielou na nag-iiwan ng misteryosang mantsa de crema sa punda at unan—pero okey din ‘yun, hehehe—kundi Batibot, yung pambatang programang pantelebisyon).

“Pagmulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot…” ang panggising ko sa umaga noong rilyebo dise-something pa lang ako. Kahit na pambata pa ang direktang audience ng programa, nakatutok ako rito araw-araw. Naging kadikitkosiPongPagong, nakabarkada ko si Kiko Mantsing, at nakipag-kenkoyan ako kay Kapitan Basa. Mga amiga ko si Ate Gingging at Ningning, sosyalan associates ko sina Ate Sienna at Kuya Bodjie, at si Manang Bola—siya ang unang Madam Auring ng buhay ko.

Hindi palamuti sa panulat ang nabasa mo dahil minsan na akong tumira sa Batibot.

Unang lasap ko ng pagiging isang lehitimong manunulat ang programang Batibot. Nakatengga lang ang mundo ko noon na malimit kong ginugugol sa pagwawaldas sa mga walang kapararakang bagay—nangongolekta ako ng buntung-hininga, nangangarap ng gising at naghihintay na may mangyari sa buhay kong alam kong magiging bongga balang-araw (yup, eternal sunshine ang optimism ko habang naghihintay ng lubusan kong pagiging dyosa).

Wala na yatang mas nakakabagot pa kaysa pagurin ang sarili ng walang ginagawa sa maghapon at magdamagang mag-walking doll sa gabi. Pero kahit pa Maria Leonora Teresa ang role ko sa madaling-araw (sumalangit nawa ang mahaderang manyikang ito ni Ate Guy at Kuya Pip), nahahanapan ko rin ng pakinabang ang ritwal na ito.

Naalala ko pa, sa gitna ng mahahabang ‘paglalakbay’ sa pag-iistariray kapiling ang mga bituin sa haba ng gabi, travel galore din ang imahinasyon ko. Sumasabay sa pagrampa ang pagsilang ng mga bagong ideya. At kung may matisod man akong nais makipag-“Pare, tripping tayo…” e, bonus na lang ‘yun.

May mga nabubulsa akong mga ideya sa milya-milya ng mga pinagsama-samang pagrampa. Ewan ko, pero parang inihahanda ko ang sarili ko noon sa hinaharap bilang isang manunulat. Lahat lang nasa isip ko. Nagpapatangay ako sa ilusyong isa akong writer na tila ba may deadline na dapat na tapusin. Iba-ibang mga plots, mga karakter na gusto kong gawan ng kwento, mga opinyon na gusto kong ilapat sa papel—sila ang mga kasabay ko sa magdamagang rampa at sila rin ang ‘take home’ ko pag-uwi. Kaya naman malimit, may bitbit akong bolpen at mga pira-pirasong papel (mga tiket sa bus, mga palara mula sa pabalat ng Marlboro, mga retaso ng tissue papers, atbp.) at pagtuntong ko ng bahay, isa-isa ko silang ililipat sa isang maliit na notebook na bangko ko ng mga ideya.

Nakakaloka, karamihan sa mga una kong akda sa mga nauna kong columns sa Woman Today, Glitter, MAX magazine, Look magazine at The Manila Bulletin ay ipinanganak mula sa ibat-ibang sulok ng Cubao, Espana, at Malate. Pero bago pa man yumabong ang by-line ko nang bonggang-bongga, sa Batibot ako nahasa at nag-umpisang magsulat.

Rewind. Mahilig akong manood ng sineng cartoon, at natatandaan ko pa sa animated Cinderella movie (sa dating SM North Edsa Annex Cinema) ko nakilala ang isa sa mga pinagkakautangan at hinahangaan kong paham ng literaturang Pinoy—si Rene O. Villanueva.

Kakaunti lamang ang nanunuod ng pelikula, siguro’y sawang-sawa na ang tao sa istorya ni Cinderella. Sino nga naman ang di nakakaalam ng kwento niya—inaping murat ng kanyang mga chakang stepsistahs at tiyahing mala-Estrella Kuenzler ang angil factor (hindi ko problema kung di mo kilala si Estrella Kuenzler), pinagkalooban ng kanyang Ninang Engkantada ng mahika blanca, gumimik sa Palasyo, nakipag-aura-han sa dancefloor, nakipag-eyeball sa Prinsepe, nawindang sa curfew at naiwan ang kanyang sapashoes at blablahblah.

Nang bumandera na ang closing credits, umeksena ako sa lobby. Nagpa-delicious ako sa mga nasa paligid habang sinisino ang mga kanina’y nagmamaganda pero ngayo’y magaganda lang pala sa dilim. May dumapong sitsit sa akin. Tumengga ang ilong ko sa hangin, tumulis ang nguso at sinadyang huwag lumingon sa pinanggalingan ng sutsot. Pssst, may lighter ka? Syempre dedma ang pamhinta. Hindi pang-sutsot ang gandah ko, ‘noh?!

“Psssst, sabi ko kung may lighter ka…” sitsit con kalabit na ang eksena ng Sutsotero.

“Hmm, bawal po manigarilyo rito…” sabi ko.

“Hindi ‘yun ang sagot sa tanong ko…”

“Kung gusto po n’yo ng sagot, sa iba po kayo magtanong.” Hmp, hindi ko na natiis, naging mga salita na ang mga naipong asar sa utak ko.

“Maanghang ka…” nakangising sagot ng nagtatanong.

“Sitsaron.”

“Sitsaron?”

“Baon ko kanina sa sinehan. At humigop po ako kanina ng sukang may labuyo. Hindi lang maanghang, kundi maasim at maalat.”

“Mataray ka. Bakla ka?”

“Pa-mhinta.”

Nakapinta ang huh? sa mukha n’ya.

“Pa-mhin.” Ang shonga, pa-mhinta lang di pa alam.

“Kaya pala maanghang ka.”

“Taga-Bikol po ang nanay ko.”

“May lighter ka nga?”

“Bawal nga po manigarilyo dito sa sinehan…ayaw ni Mahal del Mundo.”

“Hindi ‘yun ang sagot sa tanong ko. May lighter ka ba?”

“Hindi po ako naninigarilyo.”

“Hindi ‘yan ang sagot sa tanong ko. May lighter ka nga ba?”

Nahinog ang naipong grrr sa aking sinapupunan.

“Alam n’yo, ‘yan po ang hirap sa mundong ito. Punung-puno tayo ng mga tanong, hanap tayo nang hanap ng sagot. At bago pa man natin masagot ang una nating tanong siguradong manganganak at manganganak pa ito ng iba pang tanong. Mahirap po yatang sagutin ang tanong kung nakabulsa na ang gustong isagot ng nagtatanong…” huminto ako sandali for effect…“WALA…PO..AKONG…LIGHTER.”

“Hahaha!”

Natuwa pa. May pagka-masokista yata.

“Gusto kita. Marunong ka bang magsulat?”

“H-ha?! Uhm..oo…hindi..yata..ewan. Bakit ho?”

“Basta isulat mo sa papel ang nasa isip mo. Pakinabangan mo ang anghang mo.”

Nagpakilala siya bilang creative writer ng Batibot at inimbitahan akong subukang mag-contribute ng script.

Nagkape kami. Natuklasan namin ang maraming pareho sa amin—ang mga librong pareho naming nabasa, ang hilig namin sa pelikula, ang pagmamahal namin kay Ate Guy, ang pagkadismaya namin sa gobyerno, at kung anu-ano pa.

Nagbatuhan kami ng mga ideya. Marami sa mga naka-bangkong konseptong bunga ng mga magdamagang paglalayag ang lumutang, kaya nalunod siya sa mga naipon kong mga ideya. Binigyan ako ng isang linggo upang ilatag ang lahat sa papel, at dahil sanay na ako sa mga imaginary deadlines na ilusyunada kong binibigay sa sarili ko, mega-submit ako on time.

Pinakawalan ko ang mga ideyang nakalagak sa bangko—marami sa mga ito’y maaaring sabihing weird para sa Batibot, gayunpaman, sinulat ko pa rin. Mga sirenang ‘inanod’ sa Batibot ng malakas na bagyo, mga mahaderang mansanas na ayaw kasama ang mga bayabas at saging sa iisang bilao, mga sepilyong mahilig magwalis ng tinga sa lungga ng bunganga, mga kabibeng kumakanta a la Pilita Corales. Weird nga, di ba? Care ko naman kung di nila magustuhan, at least, na-meet ko ang deadline ko (at feeling writer ako!).

Isang himalang nagustuhan nila ang mga sirenang ligaw, ang mga isnaberang mansanas, ang mga masinop na toothbrush at mga kabibeng mahilig mag-karaoke. Na-aprub ang mga sinulat ko. Inimbitahan nila akong magsulat ng buong bagong season. Muli, rumampa ako kasama si Maria Leonora Teresa. Binaybay ko ang mga sulok ng Cubao, Espana at Malate at nagpahinog ng mga bagong ideya.

Nagbunga ng bongga ang ritwal ng mga pagrampa. Maliban sa ilang maliliit na repaso, pumasa namang lahat ang mga sinulat ko. Inanyayahan akong maging regular writer, at salamat sa aking matimtimang hiling, tuluyan na akong naging bahagi ng pamilya ng Batibot.

Moral Lesson: Matutong mag-multi task habang rumarampa. Hanggang ngayon, mahilig pa rin akong mags*lsal ng mga ideya. Join ka?


Sunday, April 26, 2009

Away-laway

(Mula sa susunod kong libro)



MAS maingay ako sa papel kaysa sa personal. Malimit nakapinid ang mga labi ko sa mga umpukan ng mga kwentong walang kwenta. Madalas mas gusto kong manahimik kung hindi rin lang ako hinihingan ng opinyon. Mas gusto kong makipagpitpitan ng ideya sa sarili ko kaysa makipagbulaan ng laway sa mga taong utak-tekla.

Kapag nakakarinig ako ng mga opinyong naiiba sa akin, keri lang. Kapag di ako sang-ayon sa paniniwala ng iba, dedma lang.

Kadalasan, kaya kong magtimpi—sabihin mong ikaw ang pinakamagandang bakla at nararapat sa cover ng isang prestisyosong magasin (Mega? Preview? Cosmo? National Geographics siguro dahil pinaghalong monkey-eating-eagle at eagle-eating-monkey ang fez mo!) ay hahayaan lang kitang magnaknak sa kagandahan hanggang mabulok ka sa ilusyon. O di ma’y sabihin mong sandamukal na hombre ang nakapila at nagkakandarapa sa alindog ng mga man boobs mo, e, sige lang ateh, hahayaan lang kitang madighay sa dami ng mga lalaki mo.

Kwidaw, may mga pagtitimpi na sadyang pinakakawalan sa hangin, hinahayaang kumulo sa init ng galit, bumula at bumulwak sa asar, at kapag hinog na sa angil at angas ay saka maigting na iraragasa sa kapalitang ngitngit. Pero higit na epektibong magpakawala ng asar ng tahimik. Ayoko ng maingay na away-laway, mas gusto ko ng aksyon. Pitpitan man ng bayag, bugbog kalabog o maaksyong asaran na walang daldalan—take your pick, mas gusto ko ang mga ito.

Exhibit A: Isang di kilalang dj (disc jockey) ang minsang nanligaw sa galit ko. At dahil sadyang mapagbigay ako, pinaunlakan ko s’ya ng katiting na atensyon.

Patpatin, maputla, malamya at kung di rin lang sa boses n’yang impit, at pa-sosing Tisoy accent—tiyak na hindi mo siya mapapansin. Kulang sa pansin siguro ang mokong dahil panay ang tira-kalikot sa mundo ng kashoklaan sa tuwing s’ya ang on-air sa radio station na pinapasukan namin. Hitik sa homophobia ang pa-ohm na itech habang masayang nakatutok ang bibig n’ya sa mataba, mahaba at dambuhalang mikropono.
Itago natin siya sa pangalang Little Phooey.

Tumimbre ang gaydar ko nang una ko siyang makita. May napick-up na pink waves ang third fallopian tube ko, pumalo ang antennae sa pamhinta y media, at muntik akong nahatsing sa puting matsing. Pero keri lang, to each his own, divah? Hindi importante kung ayaw n’yang magpabuking.

Posibleng mali ang sapantaha ko, pero malamang kaysa hindi, amoy ko ang kabaro ko. Kung gusto n’yang magtago sa kanyang closet na may mirror balls at magtago sa pundya ng panty ng asawa n’ya (Yesiree, may josawa ang jokla, nandamay pa ng murat ang b*rat para ikubli ang kanyang pagiging nota worshipper!)—e, nasa sa kanya na ‘yun. Sa madaling salita, CARE KOH NAMAN?!

Siguradong wagi ako sa pagka-Miss Friendship sa istasyon ng radyong pinapasukan namin dahil Best in Smile ako to everybody at namumulaklak ako sa “Hi-hellow-at-how are you?” to everyone. Masaya ako sa trabaho, mabait sa akin ang lahat at, I’m sure, kinagigiliwan nila ako (madalas kumalat ang mga gilagid sa paligid sa mga pakwela ko), pero Invisible Dyosa ako pagdating kay Putlang Bakla. Wala naman akong ginagawa sa di kagandahang taga-lupang ito, pero tila palaging nakatengga on midair ang ilong nya at ismid to the highest level ang drama pag nagkakasabay ng orbit ang aming mga planeta. Kung iisipin, napaka-redundant n’ya—klosetang bakla na nga s’ya, homophobic pa! Nakaka-grrr di ba? >: (

Minsan, inabutan ko si Little Phooey na nakikipag-chikahan sa aming technician sa labas ng radio booth. Isang talon lang ng palaka ang layo ko sa kanila mula sa pantry habang nagtitimpla ako ng kape. Biglang umalingawngaw ang “BAKLA! BAKLA KA NAMAN! BAKLAAAAH!!!” sabay segue sa isang mala-Elvira Manahan na halakhak. Si Little Phooey, labas lahat ang bagang sa kakatawa at sinasabihan ang technician na hindi naman talaga vhakler. Napatingin sa akin ang technician, hindi ito natatawa, may pangamba sa mga mata n’ya, tila naghihintay ng reaksyon mula sa akin. Maliwanag na ako ang pinariringgan ng potah. Pumait ang kape, nangati ang kamao ko, may gusto itong dapuan. Patience, sister, patience, ang sabi ko sa sarili ko. Ang maasar, talo.

Madali naman akong kausap. I only give what I receive, so pinalabhan ko kay Manang ang GI Jane suit ko, hiniram ko ang wrist band ni Zsazsa Zaturnnah at pina-cue ang World War III. Humandah kah, vhaklah kah.

Dumaan ang mga araw at winner kami ng Dedma Award sa isa’t-isa. Magkasalubong man kami’y wala kaming nakikita, Imbisibol ang drama. Pero pinag-adya ng pagkakataon at pinag-krus ang daan namin ng Putlang Bakla. Nang magkasabay kami sa elevator (kami lang ang nakasakay), I swear, kumislap ang mga nagkiskisang kulog at kidlat na kulay pink (Oo, peenk!).

Tandaan: As a universal rule of the goddesses, hindi pwedeng magsama ang dalawang dyosa sa isang mundong parisukat, lalo na sa elevator. Umasim ang paligid. Lumobo ang butas ng ilong ni Tisoy in hyper ismid mode. Pwes, inilabas ko ang compact press powder ko, inilapat ang malambot na pad sa pulbo, pinasadahan ng first coating ang beautiful face ko, at habang nasa stage ako ng second coating ay bumirit ako ng isang madamdaming “…who is this girl I see, starin’ straight back at me-ee-eeeh…” pinanginig ko pa ang dulo, naligo siya ng vibrato. at lalong nandilat ang ilong (mind you, hindi ang mga mata) ng pamhinta.

Nakasulat in bold, capital letters ang hmp! sa mukha n’ya samantalang nakapinta naman ang hihihi sa akin. Nagpakawala ng isang mainit na buntung hininga ang lokah, umusok ang ilong at umirap, pero wala akong nakita.

Isa pang pwes—nagpausok din ako, at di man n’ya nakita, e, siguradong naamoy n’ya. Paglabas namin ng elevator, naningkit na naiwan sa ngitngit si Tisoy, samantalang naka-chin up naman ako at feeling waging-wagi dahil nahigop ng Putlang Bakla ang, excuse me, kabag ko sa magdamag.

Ready na po ako for Round 2.

Friday, March 20, 2009

Kumbersasyon

(Excerpt mula sa susunod kong libro)



L: “A-ayoko n’yan, h-hindi ako kumakain n’yan…” umiiling ako, halos pinid ang mga labi sa pagsasalita.
M: “Trymohlang…” malagkit ang mga salita, magkakadikit, may pang-aakit.
L: “H-hindi talaga e…”
M: “Try mo…sandali lang…” nagsusumamo, nakikiusap.
L: “Di talaga e…”
M: “Magugustuhan mo ‘yan, sige na…try mo…” bumubulong ang mga kataga sa hamog ng hangin, basa na ang mga letra…”Sige na…”
L: “LECHE NAMAN E! Isuot mo na nga ‘yang panty mo! Sabi nang ayoko n’yan eh!”

* * *

X: May nangyari raw sa inyo ni Paco…
L: Uhm, oo.
X: E, sa inyo ni Mike?
L: Oo.
X: Si Stephen din daw.
L: Yeah.
X: Sa inyo ni Abet?
L: Oo.
X: Joey?
L: Oo rin.
X: Si Jason?
L: Slight.
X: Si Dennis?
L: Medyo.
X: Pucha, lahat na lang natikman ka na, alam na ng buong Malate kung ano lasa ng b*rat mo! Bakit ako hindi?!
L: Uhm…
X: Magpapaka-pokpok ka rin lang di mo pa ko sinama sa listahan mo. Bakit ako, bakit sa akin hindi?!
L: Ikaw kasi ang mahal ko…

* * *

L: Ayaw e..
C: Ha? Bakit ayaw?
L: E-ewan ko.
C: Subo ko ulit.
L: Sige…’yan…ganyan…
C: Zwarsupgwarshruph…
L: ‘Yan, sige…ganyan…
C: Swarzhupshurshh…
L: A-ayaw talaga e.
C: B-bakit?
L: Ewan ko…
C: Pagod ka ba?
L: Hindi.
C: May problema?
L: Wala.
C: May nangyari sa gym ’no?!
L: Wala.
C: Nagpasuso ka sa sauna?!
L: Hindi.
C: Pinagjakulan mo ‘yung instructor ‘no?!
L: Hindi sabi e.
C: Nakipagkita ka na naman sa mokong na dj na ‘yun?!!
L: Hindi!
C: E bakit tinugtog ang pesteng themesong n’yo last Saturday?!
L: Hindi sabi. ‘Tangna, maingay ka pa kay Anabel Rama! Ayoko na! Mag-live-in ka mag-isa mo!!!
C: Uhm, s-sorry..t-teka…
L: GAGO!

* * *

D: Ah, so you’re Louie. You look exactly like your picture, though I’ve imagined you to be a bit taller, but no worries. You ran a little late, but that’s okay. Ten minutes is all right, but I’d be a little worried if it’s twenty or thirty minutes. So how’s your day? Mine’s nothing different from my usual day, routine stuff. Kinda toxic in the office, my boss is practically heaving on my neck! Haha! But it’s okay, I always log in the net just to keep my sanity! So what do you do?! Ako, I’m executive assistant in a PR company. We are working on so many campaigns right now. Grabeh! Toxic talaga! Where do you work out? Me, I don’t work out. Halata ba? Mataba na ba ako? You think I need to workout na? San ka gumigimik pag weekend? Akosabahaylang.Iusuallyreadlangorstayina loungebardon’tlikeclubbing.Doyoudanceba? Yadayadayada. Doyouworkout?Ha?Blahblahblah.Sankanaggigym?!Bakitangtahimikmo?Ha?HA?!
L: Uhm, bye.

Monday, January 26, 2009

The Old Me

For some time, I thought I’ve already detoxified from my decadent party sins—booze, beats, er..boys. I thought my gimik days have seen their august years. Silly me.

Last weekend, I mounted an elegant dinner bash for our dear boss (Shu’s “Somewhere Over The Rainbow” simply reeked with fabulousity, the poi dancers sent bubbly drools from the djs-slash-cuckoo-titties and Bloomfields, wow, was so swell with their black-framed-glasses-yes-we’re-geeks performance). After the celebration for our venerated Big Guy, we turned my office to a loading station for booze and more booze. Magic’s Mojo would have wanted us (me and my wonderful staff) to check Big Fish at A, but hottie Winner (of 99.5 RT) was leaping out of his skin to tag us to the grand launch party of Manor, the newest club in Eastwood owned by the Emba peeps. Manor won in the final tally.

Over in Eastwood, the queue was, ugh, kilometric. Judging by the busy cash register, I surmise the entrance tick would cause an arm and a leg—lotsa partyphiles were lining up to see and be seen (and who wouldn’t, Manor is touted to be the newest, hippest club in town). But sink this in, children: the magic of, er, clout, is mightier than any wad of cash. So in we went to Manor’s Penthouse and Basement. The crowd was a preppy mix of hets, straight-acting bi’s and fab PLUs (People Like Us). Everyone dressed cool. ‘Twas so fab and hip, I was reeking with young blood from the mostly junior crowd. I felt sooo old, but, whatheck, it’s never too late to parteee!

The night after, I did my usual Malate sojourn, my usual O Bar-Bed-Club Mafia route. Ho-hum, methinks I’m so friggin’ bored with the same old-same old Malate poseurs that I’m in dire need of a new hangout. Any ideas? Sigh.

Monday, January 5, 2009

PMW

KASAMA sa pangarap ko ang bumuo ng pangarap ng iba. Kaya naman nang mabiyayaan akong maging Creative Director para sa elite events group ng limang premiere radio stations, nagkaroon ako ng pagkakataong humabi ng ilang mga pangarap.

Bilang Creative Director kailangang hitik ka sa ideya, kailangang handa kang mag-isip nang mag-isip ng mga konseptong hindi conventional, yung bang mga ideyang ipapanganak mo sa labas ng kahon (out-of-the-box, ‘ika nga). Kailangang may pitik ka sa utak, kailangang kumakalansing ka sa mga konsepto. At kapag kinatok mo ang bungo mo, kailangang bumaha ang mga bagong-katas na ideya. Naisip ko tuloy: siguro kapag inalay sa blender ang utak ko, baka pinakbet slurpee ang lumabas. Naglayag pa ng husto ang kukote ko: Ano kayang kumbinasyon ng mga ideya ang makakatas para maging dinengdeng o kaya’y pinapaitan? Syempre, may konting kapilyuhan din sa loob ng aking beautiful mind: O kaya, paano kung lambingin ang mga konsepto sa utak ko, bayuhin nang bayuhin hanggang tumalsik ang orgasmo ng mga ideya, bongga ‘yun di ba?

Isa sa mga tumalsik na konsepto ang The First Philippine Models’ Weekend (PMW).

Nakahuntahan ko ang ilang glamazonang modelo mula sa Professional Models Association of the Philippines (PMAP), bumaba sila sa lupa at nagsabog ng kasosyalan habang humihigop kami ng mainit at may-kamahalang-may-katabangang kape. Iisa ang lament ng mga models na itich—halos walang bagong henerasyon ng mga Pilipinong modelo ang rumarampa sa catwalk at iilan lamang ang nag-eemote sa harap ng camera. Hindi keri ng PMAP na tila natapos ang mga pangarap ng mga Pilipinong modelo kina Rocky Salumbides (na paboritong model ni mareng Donatella Versace) at Charo Ronquillo (ang Kate Moss look-alike na win galore sa isang prestigious international model search). Huwag ring kalimutang sandamukal na foreign models ang fly to this Land of Bagoong and Broken Dreams para mag-maw (‘maw’ ang tawag sa mga modelo sa lenggwaheng fashionista). Tagtuyot ang matres ng Philippine fashion modeling, at tila nagpa-ligate ang industriyang minsang ginawang anthem ang “Vogue” ni Lola Madonna.

Tumengga na nga ba ang Pinoy sa larangan ng pagmo-modelo? Panahon pa nga naman ni John en Marsha nang magkaroon tayo ng mga Ana Bayle at Mimilanie Marquez. Nasaan ang mga bagong Tina Maristela, ang mga Gina Leviste, Frances Dionisio, Marina Benipayo, Issa Gonzales, Myrza Sison, Lala Flores at Adelle Go? Sino na ang susunod sa mga yapak nina Rissa Samson, Wilma Doesnt at Tweety de Leon?

Hindi ako pwede, busy ako.

Kaya nagpatawag ako ng go-see (audition para sa mga modelo). Pronto, nagpakawala ako ng announcement sa radyo—isang daang modelo ang ite-train ng libre ng mga premyadong fashion insiders—mga fashion editors, stylists, paham na photographer at mga designers.

Nagpaunlak ang mga kaibigan ko sa industriya na umayon sa layunin ng PMW. Nanduon ang dati kong fashion editor na si Vic Sevilla, andun din ang mga iginagalang kong editors na sina AA Patawaran at Hector Reyes, ang mga prestisyosong designers na sina Dong Omaga-Diaz at Leonardo Dadivas at Puey Quinones, ang maaasahang dyosa’t kaututang-dila ko na si Wilma Doesnt at ang matalik kong kaibigan slash underrated fashion photographer na si Ricky La Dia.

Maswerte na, ‘ika ko, kung maka-dalawang daan kami ng mga mag-aapply, pero naghimala ang fashionista kong Ninang Engkantada—umabot kami ng humigi’t kumulang sa limang daan! Dinumog kami sa araw ng go-see. Nasa ika-siyam na palapag ang opisina ko, umabot hanggang lobby ng building ang pila ng mga gustong mag-modelo. Muntik kaming talakan ng Security Office at nagmistulang pila sa rasyon ng Dinorado rice ang go-see. Mahihiya ang NFA at siguradong mas blockbuster ang audition ko.

Na-realize ko, hindi pa nakabaon sa lupa ang pangarap ng maraming maging modelo. Buhay na buhay at nag-aalab pa rin ang pangarap ng marami. Ang kulang lamang ay mabisang pagtulong mula sa mga taga-industriya. Nalungkot akong bigla. Sinisi ang sarili. Kami pala ang nakalimot, kami pala ang nagpabaya. Pero hindi pa huli. Kahit gaano kasimple, kahit gaano kaliit, maari kaming makapag-ambag ng palad para sa industriyang minsan at patuloy na kumukupkop sa aming mga pangarap.

Maswerte akong maisadlak ng kapalaran sa fashionistang mundo ko ngayon. Wala sa hinagap ko na maituring na isang eksperto o hiranging magaling sa larangang ito. Pero bago pa man mag-PMW, nakapagdirek na ako ng mga fashion shows para sa ilang foreign at local fashion brands. Ilan sa mga photoshoots na kinunsepto at dinirek ko ang lumatag sa ilang billboards sa Edsa.

Hindi eksaheradong sabihing isang tumpok isang mamera ang mga so-called ‘direktor’ ngayon. Lahat na lang nagdidirek. Lahat na lang nagmamagaling. Lahat na lang may nakabulsang attitude at tantrums na handang humagupit sa anumang sandali. Lahat na lang nakaangas ang ilong sa ere na minsan lamang na makapag-direhe ng isang simpleng song and dance number ay astang pang-Broadway na. Nakakaumay ang mga ilusyon at mga angas. Hindi nagsisimula ang pagdidirek sa pagpindot ng button at hindi natatapos ang pagdidirehe ng ilaw sa strobe lights at fog machine.

Sa tulong ng maraming kaibigan, sa pinagsama-samang experience at humbled expertise at sa pinagbuklod na pagmamalasakit, buong pagpapakumbaba naming ginawa ang PMW.
Iba’t-ibang klase ang dumating sa araw ng go-see. Maraming nagpapabata, maraming nagpapatanda. Maraming con todo sa kolorete, maraming kuba na sa dami ng accessories, samantalang karamiha’y namumuhunan lamang ng pagbabakasakali.

Marami sa kanila’y may nakahandang sinaulong mga linya—parang mga kinabisadong sagot sa mga tanong sa unang job interview. Kahit po ano gagawin ko, ang nakakatakot na pangako ng ilan; may mga aroganteng tiwalang-tiwala sa sarili—marami pong kumuhuha sa akin; samantalang ang iba’y lakas lamang ng loob at kapal ng mukha ang baon—maganda naman po ako di ba?

May mga kuminang sa audition, may mga pasang-awa at maraming nagmakaawa. Halos iluwa ng ilan ang lahat ng kanilang mga bagang sa tuwa kapag sila’y nakakapasa, samatalang damang-dama ko ang pagkalugmok ng marami kung sila’y nakakatanggap ng iling.

Dalawang araw lamang ang workshop, pero naramdaman ko ang rubdob ng mga model wannabes na matuto. Sa rehearsal para sa fashion show (kung saan ipre-present ang mga modelo sa mga taga-industriya), marami ang nakatikim ng mga pinaghalong sigaw at papuri. Kinatay ang mga rampang lampa, hinipan ang mga dibdib ng ilan na kulang sa kumpyansa at ipinamukha sa marami ang potensyal na nakita namin sa kanila sa araw pa lamang ng go-see.

Malaki ang ikinagulat ko sa galing ng mga modelong ito. Marami ang yumabong sa rampa, marami ang kumislap kasabay ng mga flash bulbs ng mga camera. Umangat ang ilang mga pangalan—si Patricia Garcia na kikimi-kimi sa rehearsal ngunit bumulaga sa gabi ng palabas; si Nikita Conwi at Crystel de los Reyes na kumain ng papuri mula sa maraming taga-ad and casting agencies, sina Jessica Martinez, Krishna Sing, Sheryl Tolentino, Andromeda Reyes, MJ Abuel, Jana at Aiko Ramirez na malao’t madali’y tiyak na mamumulaklak sa industriya; sina Smile Dimalanta, Marj Daez at Jekzie na nangibabaw sa kanilang kakaibang ‘look.’

Hindi nagpahuli ang mga kalalakihan—sina Andre, Kyle, James Mendoza, Laurence Rafer, Vince Salas, Vince Andres, Mico Alvarez, Kim Alvares, Frincks Maye, Earvin Aquino, Joash Balejado,Jay Almeda, Vince Ricafrente, Pete Cureg, Darwin Dazo, JP Ancheta at si Jay-R Salud.

Pangalan lamang ang ilan sa kanila ngayon, pero naniniwala ako—alam ko—sila ang mga mumunting pangarap na tumupad sa sarili kong pangarap.


(PMW models' pictures posted at Friendster philmodelsweekend@yahoo.com)





.