Tuesday, June 16, 2009

Blush

(I'm leapin' out of my skin as I write this!)


MATANDA na ako (ng konti), pero marunong pa rin akong mag-blush.

Mag-blush—hindi yung emyaz (make-up) na nakabote o nakasiksik sa garapon, lalong hindi yung binasa ng laway mula sa pulang crepe paper na ipapahid sa maliliit na bundok ng cheekbones—kundi yung naghuhunyangong rosas sa pisngi kapag nag-uunahang umagos ang agua de sangre mula sa tinta ng mga ugat hanggang sa lumatag sa kanilang destinasyon—ang fez mo.

At bakit naman hindi ako magba-blush kung naglalangib sa papuri ang Masculadoll, ang una kong libro sa Filipino? Sa halip na magyabang, ang mag-blush ang drama ko. Samahan ko pa ng kiming hihihi at mahihiya na si Dakota Fanning sa pagka-tweetums.

Isang pagbabakasakali lamang ang Masculadoll, isang try-ko-nga project na kung pumalpak ay ipapasa-better-luck-next-time ko na lamang. Pero keri pala sa mga becky (as in bakla, anovey?!) at sa mga pa-derederecho pa (straights). Namutaktak ang celfone ko ng omg, kktwa nmn! Wrt k p buy aq giv q 2frends! at binayo ang Inbox ko ng anokabah, Louie, gahleng-gahleng naman ng ateh koh. At maging sa mga rampahan, may mga lumalapit sa akin at, gosh, nagpapa-autograph! Lalo akong napapa-hihihi, potashet, mauubos yata ang supply ko ng ‘h’ sa taong itoh.

8 comments:

Anonymous said...

grabeh! Congratulations!

Anonymous said...

galing!

randomly roaming man said...

congrats!

Anonymous said...

ang galing naman kasi eh. go go go! =)

-raisa =)

Anonymous said...

wow! as in!

KLITORIKA said...

Wow as in? Congrats ateh!!! hehehe felling close ako noh anyways sulat ka pa damihan mo plssszzz...

Anonymous said...

the book deserves the nomination! actually nung una, silip lang ang ginagawa ko sa librong ito(at nagkakuliti ako dahil sa sobrang pamboboso sa akdang hindi kayang bilhin ng anda ko). narealize ko na, worth it naman kapag binili ko. hindi humada for one week, i sacrificed that para lang mabili ang aklat na ito. congratulations! mabuhay ka!

Anonymous said...

one blue pm...me nasa library...noticed ur book, flourescent green in color, size - perfect, it says "new", hmmmm! Read it in one gabi. Instant fan agad ako. Nag flip me all night kasi LOL. More power to u... and yes pls dont stop drinking coffee.