Foreword ng "Masculadoll"
(My third-born just came off the press, it'll hit the shelves of Powerbooks and National Bookstore by October. Hope you take time to leaf through it.)
GUSTO kong lumipad, pero dahil wala akong pakpak, natutunan ko na lamang magsulat sa hangin.
May kapangyarihang dala ang pagsusulat—parang bato ni Darna o kuryente ni Volta. Ang sisterellang si Zsazsa lumalaklak ng bato at sumisigaw ng “ZATURNNNAHHH!” samantalang ako nama’y humihigop ng mainit na kape, hahayaang mabanlian ang lalamunan at sabay hihiyaw ng “POTASHET! ANG INIT!!!” at saka pa lamang ako sasaniban ng kapangyarihang makapagsulat.
Malaking pakikipagsapalaran ang magsulat—para kang nagbubuntis ng ideya—kukupkupin mo ito sa sulok ng iyong katwiran, patatabain sa dulo ng kawalan at pahihinugin sa gitna ng gunita. Pero dadating ang sandali na kakatayin mo ang bawat hibla at saka ilalatag ang mga ito sa papel. Pagkatapos, isa-isa mo silang pakakawalan—hanggang sa may dapuan.
Madalas makiliti, mapuwing, o ma-praning ang mga dinadapuan ng mga sinulat ko. Salamat na lamang at tinangkilik ng mga vhaklers ang panganay ko, ang Brusko Pink, King Kong Barbies & Other Queer Files, pati na ang Baklese, isama mo na rin ang dati kong column sa The Manila Bulletin at pabugso-bugsong by-line sa The Philippine Star.
Ito ang unang paglalayag kong sumulat sa Filipino. Mabuti naman at napaunlakan ako ng pagkakataong tumugon sa hiling ng mga mambabasang humihirit na “Tagalog naman, sis…”
Naiiba ang Masculadoll dahil humigop ang bawat salita ng, anopangaba, kundi mga misteryong nakaipit sa langit ng alaala. Kadalasa’y maaanghang ang mga salita, pero malimit ding may tamis, kurot, pait (at minsa’s poot) sa gitna ng mga pahina. Ibinabad ang mga pangungusap sa kakaibang panlasa, binudburan ng samu’tsaring buhay bading na di buking at saka inihain sa buong kashoklaan.
Importante sa akin na sumungkit ng mga ideya, kanlungin ang mga ito sa aking imaginary bahay-bata, ibuhol ang tatlo kong fallopian tubes na parang ribbon at saka ialay sa hangin. Fly galore ang drama.
Ayokong ikulong ang mga sinulat ko. Bad yun.
May buhay ang mga salita at alam ko—kapag ikinulong ko lamang sila sa aking sinapupunan, pilit silang sisigaw papalabas at guguhit sa hangin. Kukunot ang noo mo, dahil di mo man sila mabasa, may amoy ang kanilang kaluluwa.
Tuesday, September 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Masculadoll is so0ooo nice!! =) can't even put the book down! =) two thumbs up =) veeeeeeeerrrrrrrryyyyyyyyyyyy funny and entertaining!! =)
hey kat!
thxthx!
Spread the word...haha!
congratulations! i've read a lot of books but your's is different. your words, your thoughts.. what can i say.. astig talaga.
congrats again!
is it alright if i post the "about the author" portion of your book in my blog? para naman i could invite din my other friends in blogsphere to read your books! :)
Congrats! ang galing love ko ang book mo na itoh! Sana marami pang kasunod! More power po!
Add link kita sa blog ko ha ;-)
Post a Comment