Tuesday, June 16, 2009

Blush

(I'm leapin' out of my skin as I write this!)


MATANDA na ako (ng konti), pero marunong pa rin akong mag-blush.

Mag-blush—hindi yung emyaz (make-up) na nakabote o nakasiksik sa garapon, lalong hindi yung binasa ng laway mula sa pulang crepe paper na ipapahid sa maliliit na bundok ng cheekbones—kundi yung naghuhunyangong rosas sa pisngi kapag nag-uunahang umagos ang agua de sangre mula sa tinta ng mga ugat hanggang sa lumatag sa kanilang destinasyon—ang fez mo.

At bakit naman hindi ako magba-blush kung naglalangib sa papuri ang Masculadoll, ang una kong libro sa Filipino? Sa halip na magyabang, ang mag-blush ang drama ko. Samahan ko pa ng kiming hihihi at mahihiya na si Dakota Fanning sa pagka-tweetums.

Isang pagbabakasakali lamang ang Masculadoll, isang try-ko-nga project na kung pumalpak ay ipapasa-better-luck-next-time ko na lamang. Pero keri pala sa mga becky (as in bakla, anovey?!) at sa mga pa-derederecho pa (straights). Namutaktak ang celfone ko ng omg, kktwa nmn! Wrt k p buy aq giv q 2frends! at binayo ang Inbox ko ng anokabah, Louie, gahleng-gahleng naman ng ateh koh. At maging sa mga rampahan, may mga lumalapit sa akin at, gosh, nagpapa-autograph! Lalo akong napapa-hihihi, potashet, mauubos yata ang supply ko ng ‘h’ sa taong itoh.