“SA LAMLAM ng hapon sumabay ang lungkot na bumalot sa buong Ortigas. Nasa ika-tatlumpu’t limang palapag ako, at mula sa aking kinatatayuan, mistulan akong dyosa sa aking kaharian ng mga gusaling nagtatayugan sa aking harapan. Abot-tanaw ko ang lahat—ang Makati, ang Mandaluyong, San Juan at Quezon City—para silang mga mumunting kahariang abot-kamay ko lamang…”
Korni. Erase.
“Bakal ang katapat ng lungkot ko, pero lahat ay natutunaw sa aking puso. Dinalaw na naman ako ng alaala niya. Ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Iniisip din ba nya ako?”
Leche, enough with the memories of HeWhoseNameShallNotBeSpoken! Nababarubal na ang emosyon ko. Nagtatae na ang puso ko sa arnibal, nasusuka na ako sa mga buntung-hininga at mga halik sa hangin. Nakakabaog nang magsilang pa ng mga hinanakit ng pag-ibig.
Erase, erase.
Mas mabuti yatang halukayin ang mga nasa loob ko at mag-imbentaryo ng mga damdaming nagsusumiksik sa bawat sulok para makahanap ng pwede kong isulat. Bumiyahe ako sa loob at sa mga liblib na pasilyo ng memorya nakabuyangyang ang mga kalaswaang naipon ko sa loob ng isang buwan at limang araw buhat nang magkahiwalay kami ng shititang Ex.
Namakyaw ako ng hada sa kalye, nagpasaya ng mga effem sa Murphy, nagpista sa akin ang kabaklaan ng Malate, nagpakasasa at pinagsasaan ako sa mother cruise ship g4m (Oo na, ako na si Dina Bonnevie na tinatalakan ni Ate Vi sa Palimos ng Pag-ibig—“Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!”).
Lafang galore ang drama ko lately. Ng laman.
Nagkukutkot ng bagets, nanggigigil sa kapwa maskuladong brusko pink at nagpapa-delicious sa mga manyonders. Every now and then mega-visit pa rin ang alaala ni HeWhoseNameShallNotBeSpoken, pero sinasabi ko na lang sa sarili ko—bukas na lang, busy ako!
Andito ako para makipag-date sa bakal. Pangalawang tahanan ko na ang gym. Inaampon nito ang mga sakit sa kalamnan at kadalasan, ito rin ang nagkukupkop ng mga kati ng laman.
Madalas magtama ang mga tingin ng m2m sa Free Weights Area—malalagkhet na parang shet, may mga gustong sabihin. Naglalakbay ang mga tingin—mula sa Cycling Studio papunta sa shower room hanggang sa sauna (na tinawag ko nang Masturbatorium sa dami ng mga sanggol na walang inang tumatalsik doon). Malikot ang mga tingin—mula mata pababa sa dibdib hanggang abs at puson at kalimita’y humihimpil sa mga bukol sa harapan ng mga basa sa pawis na mga jogging pants o jersey shorts.
May senyas na dumapo sa akin, nagsabing “duon tayo mamaya sa wet sauna…” pero binato ko lamang ng isang nagmamagandang “bukas na lang, busy ako…” Anobakobali? Pawisan ka tapos papasubo mo sa akin ang alaga mong alam kong maalat pa sa Chippy?!!
HAHAHA!
Baliw na yata ako, nakakarinig na ako ng mga halakhak na tunog Elvira Manahan sa paligid ko.
“That’s so funny!” sabi pa rin ng halakhak, inglesera ito at may New Yorker accent na para bang isang call center agent na nagbebenta ng kung ano.
“I would love to read more!” Nasa likod ko ang halakhak galing sa isang maskuladong pamhinta. Naka-sweat pants, puting sando (pero parang blouse), sa leeg niya’s may nakasabit na dogtag na kumikislot sa kislap kapag nakakahuli ng liwanag, sa mata niya’s may panunukso, at sa labi’y may ngiting may malisya. Pumuputok ang dibdib, parang gustong kumawala sa suot niya. Parang may ibang lenggwahe ang kanyang mga braso at gusto ko silang kausapin ng aking mga haplos. Higit sa lahat, may pangakong dala ang nakabukol sa harap nya. Punyeta, ang yummy.
“Hey, you’re reading my stuff!” kunwaring patuya kong sinabi sabay tiklop ng laptop at papungay ng chinita kong mga mata.
“Oh, I’m sorry, but your stuff is so funny talaga. Your screen is set on 150% view mode, I couldn’t help it. That Chippy line was so, so funny! I hope you don‘t mind I was peeking through your writing…”
Malandhing hmp! ang sinukli ko, tinamisan ko ang ngiti…”Okey lang…” sabi ko na halos hindi naibuka ang bibig.
“Are you a writer?”
“Uhm, among other things…”
“Interesting…”
May nakaguhit na hihihi sa labi ko, pero hindi ko pinakawalan at baka lumamya ang hatsing ng pagka-pamhinta ko.
“Crab sandwich, Caesar’s green salad and soya drink?”
“Huh?” Magaling ako magmaang-maangan.
“Lunch. My treat.”
Napangiti ako.
Tama si Ate Vi—bukas na naman ang karinderya ko.
PARANG langit. May lambing ang mainit na usok. Sumisinghap ng ulap ang mga dingding, pati ang salamin na pintuan ng langit ay pinagpapawisan. Gumuguhit ang pananabik nito sa kanyang nasasaksihan sa loob. Sumisigaw din ang mga dingding at kisame, inuulit ang mga naririnig nila. Dinig nila ang mga hingal, dumadaing pero di nasasaktan. Ungol-sarap. Sarap-ungol.
Kumukulog ang dibdib ko, may bagyong rumaragasa, walang patumangga, nananalanta. Nakapinta sa kanyang mukha ang mga mata ng dyablo—nangangalit—samantalang bumubula sa butil ng pawis ang kanyang tikas.
Pumipintig. Bumibilog.
Pilit nitong kinakalas ang buhol ng kalungkutan sa lalamunan ko. Pilit na nagsusumiksik sa bawat sulok ng lalamunan ang kanina’y nakapinta lamang sa imahinasyon ko. Sandali akong hihigop ng hangin at saka muling malulunod.
Lumuluha na ang mga mata ko—ito ba ang magpapapalaya sa akin mula sa alaala niya? Walang kurap, pitik-bulag na nilalasap ang bawat himay ng sandali na iniipon sa alkansya ng memorya. Wala akong itatapon sa limot, sabi ko, lahat ikikintal sa isip.
Mandirigma ang nasa loob, walang pasintabi, walang patumangga—ganun nang ganun habang sapo ng kanyang mga kamao ang ulo ko. Tumigil ang mundo at huminto ang pag-ulos at nanahanan ng buong-buo sa kaloob-looban.
Pumipintig. Bumibilog.
Sa kailaliman, kumatas, sumabog. Sumabay sa bula ng laway, sa butil ng pawis at sa maliliit na ilog ng maaalat na luha.
Pumintig. Bumilog.
And then I’ve realized—sa langit ma’y may Chippy rin.