Sunday, April 26, 2009

Away-laway

(Mula sa susunod kong libro)



MAS maingay ako sa papel kaysa sa personal. Malimit nakapinid ang mga labi ko sa mga umpukan ng mga kwentong walang kwenta. Madalas mas gusto kong manahimik kung hindi rin lang ako hinihingan ng opinyon. Mas gusto kong makipagpitpitan ng ideya sa sarili ko kaysa makipagbulaan ng laway sa mga taong utak-tekla.

Kapag nakakarinig ako ng mga opinyong naiiba sa akin, keri lang. Kapag di ako sang-ayon sa paniniwala ng iba, dedma lang.

Kadalasan, kaya kong magtimpi—sabihin mong ikaw ang pinakamagandang bakla at nararapat sa cover ng isang prestisyosong magasin (Mega? Preview? Cosmo? National Geographics siguro dahil pinaghalong monkey-eating-eagle at eagle-eating-monkey ang fez mo!) ay hahayaan lang kitang magnaknak sa kagandahan hanggang mabulok ka sa ilusyon. O di ma’y sabihin mong sandamukal na hombre ang nakapila at nagkakandarapa sa alindog ng mga man boobs mo, e, sige lang ateh, hahayaan lang kitang madighay sa dami ng mga lalaki mo.

Kwidaw, may mga pagtitimpi na sadyang pinakakawalan sa hangin, hinahayaang kumulo sa init ng galit, bumula at bumulwak sa asar, at kapag hinog na sa angil at angas ay saka maigting na iraragasa sa kapalitang ngitngit. Pero higit na epektibong magpakawala ng asar ng tahimik. Ayoko ng maingay na away-laway, mas gusto ko ng aksyon. Pitpitan man ng bayag, bugbog kalabog o maaksyong asaran na walang daldalan—take your pick, mas gusto ko ang mga ito.

Exhibit A: Isang di kilalang dj (disc jockey) ang minsang nanligaw sa galit ko. At dahil sadyang mapagbigay ako, pinaunlakan ko s’ya ng katiting na atensyon.

Patpatin, maputla, malamya at kung di rin lang sa boses n’yang impit, at pa-sosing Tisoy accent—tiyak na hindi mo siya mapapansin. Kulang sa pansin siguro ang mokong dahil panay ang tira-kalikot sa mundo ng kashoklaan sa tuwing s’ya ang on-air sa radio station na pinapasukan namin. Hitik sa homophobia ang pa-ohm na itech habang masayang nakatutok ang bibig n’ya sa mataba, mahaba at dambuhalang mikropono.
Itago natin siya sa pangalang Little Phooey.

Tumimbre ang gaydar ko nang una ko siyang makita. May napick-up na pink waves ang third fallopian tube ko, pumalo ang antennae sa pamhinta y media, at muntik akong nahatsing sa puting matsing. Pero keri lang, to each his own, divah? Hindi importante kung ayaw n’yang magpabuking.

Posibleng mali ang sapantaha ko, pero malamang kaysa hindi, amoy ko ang kabaro ko. Kung gusto n’yang magtago sa kanyang closet na may mirror balls at magtago sa pundya ng panty ng asawa n’ya (Yesiree, may josawa ang jokla, nandamay pa ng murat ang b*rat para ikubli ang kanyang pagiging nota worshipper!)—e, nasa sa kanya na ‘yun. Sa madaling salita, CARE KOH NAMAN?!

Siguradong wagi ako sa pagka-Miss Friendship sa istasyon ng radyong pinapasukan namin dahil Best in Smile ako to everybody at namumulaklak ako sa “Hi-hellow-at-how are you?” to everyone. Masaya ako sa trabaho, mabait sa akin ang lahat at, I’m sure, kinagigiliwan nila ako (madalas kumalat ang mga gilagid sa paligid sa mga pakwela ko), pero Invisible Dyosa ako pagdating kay Putlang Bakla. Wala naman akong ginagawa sa di kagandahang taga-lupang ito, pero tila palaging nakatengga on midair ang ilong nya at ismid to the highest level ang drama pag nagkakasabay ng orbit ang aming mga planeta. Kung iisipin, napaka-redundant n’ya—klosetang bakla na nga s’ya, homophobic pa! Nakaka-grrr di ba? >: (

Minsan, inabutan ko si Little Phooey na nakikipag-chikahan sa aming technician sa labas ng radio booth. Isang talon lang ng palaka ang layo ko sa kanila mula sa pantry habang nagtitimpla ako ng kape. Biglang umalingawngaw ang “BAKLA! BAKLA KA NAMAN! BAKLAAAAH!!!” sabay segue sa isang mala-Elvira Manahan na halakhak. Si Little Phooey, labas lahat ang bagang sa kakatawa at sinasabihan ang technician na hindi naman talaga vhakler. Napatingin sa akin ang technician, hindi ito natatawa, may pangamba sa mga mata n’ya, tila naghihintay ng reaksyon mula sa akin. Maliwanag na ako ang pinariringgan ng potah. Pumait ang kape, nangati ang kamao ko, may gusto itong dapuan. Patience, sister, patience, ang sabi ko sa sarili ko. Ang maasar, talo.

Madali naman akong kausap. I only give what I receive, so pinalabhan ko kay Manang ang GI Jane suit ko, hiniram ko ang wrist band ni Zsazsa Zaturnnah at pina-cue ang World War III. Humandah kah, vhaklah kah.

Dumaan ang mga araw at winner kami ng Dedma Award sa isa’t-isa. Magkasalubong man kami’y wala kaming nakikita, Imbisibol ang drama. Pero pinag-adya ng pagkakataon at pinag-krus ang daan namin ng Putlang Bakla. Nang magkasabay kami sa elevator (kami lang ang nakasakay), I swear, kumislap ang mga nagkiskisang kulog at kidlat na kulay pink (Oo, peenk!).

Tandaan: As a universal rule of the goddesses, hindi pwedeng magsama ang dalawang dyosa sa isang mundong parisukat, lalo na sa elevator. Umasim ang paligid. Lumobo ang butas ng ilong ni Tisoy in hyper ismid mode. Pwes, inilabas ko ang compact press powder ko, inilapat ang malambot na pad sa pulbo, pinasadahan ng first coating ang beautiful face ko, at habang nasa stage ako ng second coating ay bumirit ako ng isang madamdaming “…who is this girl I see, starin’ straight back at me-ee-eeeh…” pinanginig ko pa ang dulo, naligo siya ng vibrato. at lalong nandilat ang ilong (mind you, hindi ang mga mata) ng pamhinta.

Nakasulat in bold, capital letters ang hmp! sa mukha n’ya samantalang nakapinta naman ang hihihi sa akin. Nagpakawala ng isang mainit na buntung hininga ang lokah, umusok ang ilong at umirap, pero wala akong nakita.

Isa pang pwes—nagpausok din ako, at di man n’ya nakita, e, siguradong naamoy n’ya. Paglabas namin ng elevator, naningkit na naiwan sa ngitngit si Tisoy, samantalang naka-chin up naman ako at feeling waging-wagi dahil nahigop ng Putlang Bakla ang, excuse me, kabag ko sa magdamag.

Ready na po ako for Round 2.

Friday, March 20, 2009

Kumbersasyon

(Excerpt mula sa susunod kong libro)



L: “A-ayoko n’yan, h-hindi ako kumakain n’yan…” umiiling ako, halos pinid ang mga labi sa pagsasalita.
M: “Trymohlang…” malagkit ang mga salita, magkakadikit, may pang-aakit.
L: “H-hindi talaga e…”
M: “Try mo…sandali lang…” nagsusumamo, nakikiusap.
L: “Di talaga e…”
M: “Magugustuhan mo ‘yan, sige na…try mo…” bumubulong ang mga kataga sa hamog ng hangin, basa na ang mga letra…”Sige na…”
L: “LECHE NAMAN E! Isuot mo na nga ‘yang panty mo! Sabi nang ayoko n’yan eh!”

* * *

X: May nangyari raw sa inyo ni Paco…
L: Uhm, oo.
X: E, sa inyo ni Mike?
L: Oo.
X: Si Stephen din daw.
L: Yeah.
X: Sa inyo ni Abet?
L: Oo.
X: Joey?
L: Oo rin.
X: Si Jason?
L: Slight.
X: Si Dennis?
L: Medyo.
X: Pucha, lahat na lang natikman ka na, alam na ng buong Malate kung ano lasa ng b*rat mo! Bakit ako hindi?!
L: Uhm…
X: Magpapaka-pokpok ka rin lang di mo pa ko sinama sa listahan mo. Bakit ako, bakit sa akin hindi?!
L: Ikaw kasi ang mahal ko…

* * *

L: Ayaw e..
C: Ha? Bakit ayaw?
L: E-ewan ko.
C: Subo ko ulit.
L: Sige…’yan…ganyan…
C: Zwarsupgwarshruph…
L: ‘Yan, sige…ganyan…
C: Swarzhupshurshh…
L: A-ayaw talaga e.
C: B-bakit?
L: Ewan ko…
C: Pagod ka ba?
L: Hindi.
C: May problema?
L: Wala.
C: May nangyari sa gym ’no?!
L: Wala.
C: Nagpasuso ka sa sauna?!
L: Hindi.
C: Pinagjakulan mo ‘yung instructor ‘no?!
L: Hindi sabi e.
C: Nakipagkita ka na naman sa mokong na dj na ‘yun?!!
L: Hindi!
C: E bakit tinugtog ang pesteng themesong n’yo last Saturday?!
L: Hindi sabi. ‘Tangna, maingay ka pa kay Anabel Rama! Ayoko na! Mag-live-in ka mag-isa mo!!!
C: Uhm, s-sorry..t-teka…
L: GAGO!

* * *

D: Ah, so you’re Louie. You look exactly like your picture, though I’ve imagined you to be a bit taller, but no worries. You ran a little late, but that’s okay. Ten minutes is all right, but I’d be a little worried if it’s twenty or thirty minutes. So how’s your day? Mine’s nothing different from my usual day, routine stuff. Kinda toxic in the office, my boss is practically heaving on my neck! Haha! But it’s okay, I always log in the net just to keep my sanity! So what do you do?! Ako, I’m executive assistant in a PR company. We are working on so many campaigns right now. Grabeh! Toxic talaga! Where do you work out? Me, I don’t work out. Halata ba? Mataba na ba ako? You think I need to workout na? San ka gumigimik pag weekend? Akosabahaylang.Iusuallyreadlangorstayina loungebardon’tlikeclubbing.Doyoudanceba? Yadayadayada. Doyouworkout?Ha?Blahblahblah.Sankanaggigym?!Bakitangtahimikmo?Ha?HA?!
L: Uhm, bye.

Monday, January 26, 2009

The Old Me

For some time, I thought I’ve already detoxified from my decadent party sins—booze, beats, er..boys. I thought my gimik days have seen their august years. Silly me.

Last weekend, I mounted an elegant dinner bash for our dear boss (Shu’s “Somewhere Over The Rainbow” simply reeked with fabulousity, the poi dancers sent bubbly drools from the djs-slash-cuckoo-titties and Bloomfields, wow, was so swell with their black-framed-glasses-yes-we’re-geeks performance). After the celebration for our venerated Big Guy, we turned my office to a loading station for booze and more booze. Magic’s Mojo would have wanted us (me and my wonderful staff) to check Big Fish at A, but hottie Winner (of 99.5 RT) was leaping out of his skin to tag us to the grand launch party of Manor, the newest club in Eastwood owned by the Emba peeps. Manor won in the final tally.

Over in Eastwood, the queue was, ugh, kilometric. Judging by the busy cash register, I surmise the entrance tick would cause an arm and a leg—lotsa partyphiles were lining up to see and be seen (and who wouldn’t, Manor is touted to be the newest, hippest club in town). But sink this in, children: the magic of, er, clout, is mightier than any wad of cash. So in we went to Manor’s Penthouse and Basement. The crowd was a preppy mix of hets, straight-acting bi’s and fab PLUs (People Like Us). Everyone dressed cool. ‘Twas so fab and hip, I was reeking with young blood from the mostly junior crowd. I felt sooo old, but, whatheck, it’s never too late to parteee!

The night after, I did my usual Malate sojourn, my usual O Bar-Bed-Club Mafia route. Ho-hum, methinks I’m so friggin’ bored with the same old-same old Malate poseurs that I’m in dire need of a new hangout. Any ideas? Sigh.

Monday, January 5, 2009

PMW

KASAMA sa pangarap ko ang bumuo ng pangarap ng iba. Kaya naman nang mabiyayaan akong maging Creative Director para sa elite events group ng limang premiere radio stations, nagkaroon ako ng pagkakataong humabi ng ilang mga pangarap.

Bilang Creative Director kailangang hitik ka sa ideya, kailangang handa kang mag-isip nang mag-isip ng mga konseptong hindi conventional, yung bang mga ideyang ipapanganak mo sa labas ng kahon (out-of-the-box, ‘ika nga). Kailangang may pitik ka sa utak, kailangang kumakalansing ka sa mga konsepto. At kapag kinatok mo ang bungo mo, kailangang bumaha ang mga bagong-katas na ideya. Naisip ko tuloy: siguro kapag inalay sa blender ang utak ko, baka pinakbet slurpee ang lumabas. Naglayag pa ng husto ang kukote ko: Ano kayang kumbinasyon ng mga ideya ang makakatas para maging dinengdeng o kaya’y pinapaitan? Syempre, may konting kapilyuhan din sa loob ng aking beautiful mind: O kaya, paano kung lambingin ang mga konsepto sa utak ko, bayuhin nang bayuhin hanggang tumalsik ang orgasmo ng mga ideya, bongga ‘yun di ba?

Isa sa mga tumalsik na konsepto ang The First Philippine Models’ Weekend (PMW).

Nakahuntahan ko ang ilang glamazonang modelo mula sa Professional Models Association of the Philippines (PMAP), bumaba sila sa lupa at nagsabog ng kasosyalan habang humihigop kami ng mainit at may-kamahalang-may-katabangang kape. Iisa ang lament ng mga models na itich—halos walang bagong henerasyon ng mga Pilipinong modelo ang rumarampa sa catwalk at iilan lamang ang nag-eemote sa harap ng camera. Hindi keri ng PMAP na tila natapos ang mga pangarap ng mga Pilipinong modelo kina Rocky Salumbides (na paboritong model ni mareng Donatella Versace) at Charo Ronquillo (ang Kate Moss look-alike na win galore sa isang prestigious international model search). Huwag ring kalimutang sandamukal na foreign models ang fly to this Land of Bagoong and Broken Dreams para mag-maw (‘maw’ ang tawag sa mga modelo sa lenggwaheng fashionista). Tagtuyot ang matres ng Philippine fashion modeling, at tila nagpa-ligate ang industriyang minsang ginawang anthem ang “Vogue” ni Lola Madonna.

Tumengga na nga ba ang Pinoy sa larangan ng pagmo-modelo? Panahon pa nga naman ni John en Marsha nang magkaroon tayo ng mga Ana Bayle at Mimilanie Marquez. Nasaan ang mga bagong Tina Maristela, ang mga Gina Leviste, Frances Dionisio, Marina Benipayo, Issa Gonzales, Myrza Sison, Lala Flores at Adelle Go? Sino na ang susunod sa mga yapak nina Rissa Samson, Wilma Doesnt at Tweety de Leon?

Hindi ako pwede, busy ako.

Kaya nagpatawag ako ng go-see (audition para sa mga modelo). Pronto, nagpakawala ako ng announcement sa radyo—isang daang modelo ang ite-train ng libre ng mga premyadong fashion insiders—mga fashion editors, stylists, paham na photographer at mga designers.

Nagpaunlak ang mga kaibigan ko sa industriya na umayon sa layunin ng PMW. Nanduon ang dati kong fashion editor na si Vic Sevilla, andun din ang mga iginagalang kong editors na sina AA Patawaran at Hector Reyes, ang mga prestisyosong designers na sina Dong Omaga-Diaz at Leonardo Dadivas at Puey Quinones, ang maaasahang dyosa’t kaututang-dila ko na si Wilma Doesnt at ang matalik kong kaibigan slash underrated fashion photographer na si Ricky La Dia.

Maswerte na, ‘ika ko, kung maka-dalawang daan kami ng mga mag-aapply, pero naghimala ang fashionista kong Ninang Engkantada—umabot kami ng humigi’t kumulang sa limang daan! Dinumog kami sa araw ng go-see. Nasa ika-siyam na palapag ang opisina ko, umabot hanggang lobby ng building ang pila ng mga gustong mag-modelo. Muntik kaming talakan ng Security Office at nagmistulang pila sa rasyon ng Dinorado rice ang go-see. Mahihiya ang NFA at siguradong mas blockbuster ang audition ko.

Na-realize ko, hindi pa nakabaon sa lupa ang pangarap ng maraming maging modelo. Buhay na buhay at nag-aalab pa rin ang pangarap ng marami. Ang kulang lamang ay mabisang pagtulong mula sa mga taga-industriya. Nalungkot akong bigla. Sinisi ang sarili. Kami pala ang nakalimot, kami pala ang nagpabaya. Pero hindi pa huli. Kahit gaano kasimple, kahit gaano kaliit, maari kaming makapag-ambag ng palad para sa industriyang minsan at patuloy na kumukupkop sa aming mga pangarap.

Maswerte akong maisadlak ng kapalaran sa fashionistang mundo ko ngayon. Wala sa hinagap ko na maituring na isang eksperto o hiranging magaling sa larangang ito. Pero bago pa man mag-PMW, nakapagdirek na ako ng mga fashion shows para sa ilang foreign at local fashion brands. Ilan sa mga photoshoots na kinunsepto at dinirek ko ang lumatag sa ilang billboards sa Edsa.

Hindi eksaheradong sabihing isang tumpok isang mamera ang mga so-called ‘direktor’ ngayon. Lahat na lang nagdidirek. Lahat na lang nagmamagaling. Lahat na lang may nakabulsang attitude at tantrums na handang humagupit sa anumang sandali. Lahat na lang nakaangas ang ilong sa ere na minsan lamang na makapag-direhe ng isang simpleng song and dance number ay astang pang-Broadway na. Nakakaumay ang mga ilusyon at mga angas. Hindi nagsisimula ang pagdidirek sa pagpindot ng button at hindi natatapos ang pagdidirehe ng ilaw sa strobe lights at fog machine.

Sa tulong ng maraming kaibigan, sa pinagsama-samang experience at humbled expertise at sa pinagbuklod na pagmamalasakit, buong pagpapakumbaba naming ginawa ang PMW.
Iba’t-ibang klase ang dumating sa araw ng go-see. Maraming nagpapabata, maraming nagpapatanda. Maraming con todo sa kolorete, maraming kuba na sa dami ng accessories, samantalang karamiha’y namumuhunan lamang ng pagbabakasakali.

Marami sa kanila’y may nakahandang sinaulong mga linya—parang mga kinabisadong sagot sa mga tanong sa unang job interview. Kahit po ano gagawin ko, ang nakakatakot na pangako ng ilan; may mga aroganteng tiwalang-tiwala sa sarili—marami pong kumuhuha sa akin; samantalang ang iba’y lakas lamang ng loob at kapal ng mukha ang baon—maganda naman po ako di ba?

May mga kuminang sa audition, may mga pasang-awa at maraming nagmakaawa. Halos iluwa ng ilan ang lahat ng kanilang mga bagang sa tuwa kapag sila’y nakakapasa, samatalang damang-dama ko ang pagkalugmok ng marami kung sila’y nakakatanggap ng iling.

Dalawang araw lamang ang workshop, pero naramdaman ko ang rubdob ng mga model wannabes na matuto. Sa rehearsal para sa fashion show (kung saan ipre-present ang mga modelo sa mga taga-industriya), marami ang nakatikim ng mga pinaghalong sigaw at papuri. Kinatay ang mga rampang lampa, hinipan ang mga dibdib ng ilan na kulang sa kumpyansa at ipinamukha sa marami ang potensyal na nakita namin sa kanila sa araw pa lamang ng go-see.

Malaki ang ikinagulat ko sa galing ng mga modelong ito. Marami ang yumabong sa rampa, marami ang kumislap kasabay ng mga flash bulbs ng mga camera. Umangat ang ilang mga pangalan—si Patricia Garcia na kikimi-kimi sa rehearsal ngunit bumulaga sa gabi ng palabas; si Nikita Conwi at Crystel de los Reyes na kumain ng papuri mula sa maraming taga-ad and casting agencies, sina Jessica Martinez, Krishna Sing, Sheryl Tolentino, Andromeda Reyes, MJ Abuel, Jana at Aiko Ramirez na malao’t madali’y tiyak na mamumulaklak sa industriya; sina Smile Dimalanta, Marj Daez at Jekzie na nangibabaw sa kanilang kakaibang ‘look.’

Hindi nagpahuli ang mga kalalakihan—sina Andre, Kyle, James Mendoza, Laurence Rafer, Vince Salas, Vince Andres, Mico Alvarez, Kim Alvares, Frincks Maye, Earvin Aquino, Joash Balejado,Jay Almeda, Vince Ricafrente, Pete Cureg, Darwin Dazo, JP Ancheta at si Jay-R Salud.

Pangalan lamang ang ilan sa kanila ngayon, pero naniniwala ako—alam ko—sila ang mga mumunting pangarap na tumupad sa sarili kong pangarap.


(PMW models' pictures posted at Friendster philmodelsweekend@yahoo.com)





.

Wednesday, November 26, 2008

Lex Bonife writes

(Lex Bonife is the writer of the widely acclaimed films "Ang Lalaki Sa Parola" and "Ang Lihim ni Antonio")




Book author Louie Cano is one of my favorite chit chat buddy over the dumb bells and bench press of Fitness First. His latest work "Masculadoll: Mga Sanaysay ng Buhay Bading na di Buking" is his first work that I have ever read. And I must say it brought me to fits of laughter for the past two days.


His colorful and flamboyant account as a muscled gay man dancing on the ledge of Bed Bar, hooking up with different men from the "discreet" to the "rent" boys, breaking his heart with an arrogantly imbecile man, and remembering his juvenile affair with his cute classmate makes me appreciate the rich diversity of life as a gay man through the lens of an irreverent humor.


Congratulations, Louie for "Masculadoll"





(Blush. Thanks, Lexxx!)






.

Wednesday, November 12, 2008

Amboy

I was in the City of Angels to, uhm, celebrate the folding up of my first moleskine, to…er, commemorate the birth of my wisdom tooth, er, uhm, extol my grossed out choice to singlehood. Ain’t convincing, is it?

Dateline: Friday, 4ish AM. I packed up for a road trip with my pink BFF MJ. Garbed in my plaid gray pantaloons lined with snippets of pink and orange (I was reeking bakla from the waist down), a mauve tank and my trusty Chucks. I was gunning at getting ‘lucky’ so I’ve brought an extra tube o’ lube. Hehe.

Friday night, MJ hosted an O party. I thought I’ve already file O under BeenThereDoneThat that it didn’t stir any interest to me anymore, but when I barge on MJ’s door what greeted was a bunch of hotties—all eight of ‘em. No sooner than I can strp, I was serving Jose Cuervo bare toped naked. I burped to my gum’s content.

The morning after, it was time to explore the city’s wares. Nightime, we went to the Fieldstrip when I got a call from R who hooked me up with his Amboy ex, M. Now I am not the type who would partake on someone else’s leftover, but he was Yummy Personified that I just gotta have some. I got some, and ‘some’ was too much of an understatement, M went beyond, way beyond, expectation.

After slambangin’ with Amboy, I went back to Fields to re-align with MJ et al. Next stop was Diamond.

Tuesday, October 21, 2008

Go-see

(How to slaughter a dream)



THERE I was, last Saturday, sitting as one-fourth of the deciding panel for the go-see of The First Philippine Models Weekend. A go-see—for the flair-impaired—is plain models’ audition in glitzy fashionspeak. Over 300+ model-wannabes were on a call-back and t’was me-myself-and-I’s triumvirate of a brainchild to summon the pretty young minions of fashion to gather and copulate at my Chuck’ed feet (yeah, words can be verbosely accessorized a la Galiano’s aesthetics).

It was an unabashed mix. There were the chiseled good looking ones, the rugged diamonds in the rough. There were washboard abs and lotsa boobies spilling out their tank tops and low-down scooped tees. But there were also the the plain Janes, simple schmucks and the uglies, the bunch with nothing but loads of unrealistic dream persistence.

If there’s one word to describe the elimination, it would be UNAPOLOGETIC. It was a slaughterhouse. It was so Simon Cowell back there. The panel (composed of a fashion editor, a fashion stylist, a PR practitioner and moi), was blunt, matter-of-factly and direct to the point. I saw applicants jumping out of their skins as I hand them the coveted Official Postcard that invites them to The First Philippine Models Weekend. But I was also a heart wrenching witness to wannabes with pleading eyes and “Please…” written on their lips as they were handed out the No verdict.

It broke my heart. I know how it is to dream big. To be splattered in your face with a harsh No was just a lashing, arduous experience. What sprinkled salt to my wounded heart was that it was all based on looks.

Looks. Just that and nothing more.

I get an enchilada of thoughts up my head. Is fashion really superficial? Who are we to judge who is beautiful and who is not? Who are we to be arbiters of good taste? What gave us the right to kill dreams?

It’s sad that fashion reveals its ugly fangs to me now, but the sadder part is, I am a willing victim to ram it up my throat and hark “Suck it to me, baby!”

God, I swear to my Calvins, I am so bad. Ugh.