GREENHILLS—Kinastigo ko ang katawan ko. Maaga pa lang, buhat-dagul na ang ginawa kong workout. Chest. Shoulders. Legs. Sumisigaw ang mga kalamnan ko, pumipintig ang mga ugat, tila sumisisid ang dugo kong Type D (as in Dyosah). Ang mga masel ko, pumuputok, gustong kumawala sa puting Topshop tank shirt at Nike jog pants ko. May lawa ng pawis ang buo kong katawan, pilit nitong nilulunod ang bawat likaw ng laman na bumabalot sa akin. ‘Nyeta, ang hirap magpaganda (pang lalo).
Matapos ang mahigit dalawang oras ng pagwoworkout (kinse minutos na stretching, isa’t kalahating oras sa Free Weights Area at kalahating minuto sa treadmill), isinuko ko ang laban. Tama na, bakla, kamukha mo na si Vin Diesel—sabi ko sa sarili ko.
Ito ang pinaka peborit ko matapos mag-workout—ang maligo nang maligo nang maligo—‘yung tipong pinagsasalit-salit ang pagre-relax sa wet sauna, pagbubulay sa dry sauna at pagwawaldas ng sangkaterbang tubig sa shower. Haay, talaga namang masarap maligo. Minsan nakaka-konsensya, kasi naman alam kong maraming walang tulo ang mga gripo samantalang ako, halos dalawa-tatlong drum yata ang nakukunsumo ko kada liguan. Sa tubig pa lang, sulit na ang binabayad ko sa gym. Hindi ko tinatantanan ang paliligo hangga’t hindi nagmamala-kulangot ang size ng Ivory.
Bumaba ako sa Men’s Dressing Area, agad tinalupan ang sarili at nagbalabal lang ng twalya. Siguradong akin lang ang sauna dahil maaga pa, katatapos lamang ng tanghalian kaya tiyak na walang tao. Sumulyap akong sandali sa salamin—shet ka, bakla, ang gandah mo!—madalas kong bolahin ang sarili ko hanggang sa maniwala na ‘ko. At judging from what I see, shet ka ulit, bakla, winner kah!
Kimi akong nagpasalamat sa sarili ko, at bago pa man ako makarating sa shower, itinaas ko ang buhol ng twalya—hanggang dibdib—at saka tumingkayad na parang may suot na imaginary stilettos. May swimsuit competition sa isip ko at siyempre, ako ang nagwagi, maluha-luha ako sa galak at kasalukuyang kumakaway sa aking mga tagahanga—“There you go, ladies and gentlemen, our winner in the Swimsuit Competition besting over 80 other contestants from around the globe…from the land of ukay-ukay, balut and over-charging prostitutes..Miss Philipp-
Gusto ko na sanang um-aura sa dry sauna at bisitahin ang Taong Ubo, pero wait lang, ‘wag naman sa gym bakla, maganda ka nga salaula ka naman—pesteng boses ito nandito na naman. Hoy boses, scientifically epektib na pangtunaw ng taba at iba pang bilbil juice ang sauna, at isa ito sa mga amenities ng gym! O, hayan, meron ng scientific basis may practical reason pa! Hmp, echoserang boses itoh! Go ako.
Tila makulimlim sa loob ng dry sauna, isa lamang sa dalawang bumbilya ang gumagana. Kulay dilaw ang ilaw, kaya sigurado, lutang ang ganda ko kahit sa dilim. Mainit sa loob—malamang, eh, sauna nga, di bah? (pesteng boses ‘to…)—pero mas mainit ang hottie na bumulaga sa beautiful chinitang eyes ko. Matipuno ang Taong Ubo, gymfit (‘yung tipong sosyal ang laki ng katawan—hindi payat na parang walang makain at hindi rin naman bardagul na parang kargador, in short toned ang bodylicious n’ya). Nakatayo ang buhok, parang squirrel, makinis, maputi, chinito. Isang maliit na pingas sa labi ang nagbigay sa kanya ng bahagyang pintas pero yummy pa rin ang overall impact.
Nakalatag ang malaking puting twalya sa harap niya, halos mahulog, halos nasa sahig na ang laylayan in his attempt na ikubli ang kanyang harapan.. Ang kanyang pelvic line, parang isang mapa na nagbibigay ng direksyon...dito, dito ang hinahanap mo…sabi nito.
Dinedma ako nang pumasok ako ng dry sauna. Walang ‘hello,’ walang ngiti. Sa halip, lumiyad s’ya, uminat ang dalawang paa at sumabay na nabura ang mga gusot ng twalya—naiwan lamang ang mahigit isang dangkal na outline ng umbok na ewan kung gusto ba n’yang itago o gustong mag-hello sa akin.
Dinedma ako kaya dinedma ko rin. Siguradong mas maa-appreciate mo kung ipe-play mo ito in slow motion—lumiyad din ako, pinaghiwalay ang dalawang hita at kusang nalaglag—dahan-dahan—una ang kaliwa pagkatapos ang kanang laylayan ng aking twalya. Sadyang ‘sumabit’ ang gitnang bahagi ng twalya ko. Pumikit ako, tumingala, isinandal ang mga braso sa itaas ng sauna bench at saka nagpakawala ng isang malalim na bunting-hininga…Winner ka talaga, bakla!—pumalakpak pati ang boses.
Nagpakasasa ako sa init ng sauna. Uhhmm…
Pinid ang mga mata pero ramdam ko ang paglalakbay ng paningin ng katabi ko. Unang dumapo ito sa dibdib ko, bumaba sa apat na pirasong abs ko (work in progress ang abs ko, Ineng) at humimpil sa ‘sabitan.’ Hindi ako na-conscious sa di-kagandahang legs ko dahil isang malamyang bulong lamang ang ilaw sa loob ng dry sauna. Nakapako ang paningin niya sa pagitan ng mga hita ko, alam ko, kaya’t dahan-dahan akong dumilat habang kagat-sabay-basa ng labi. Sinalubong ako ng isang makahulugang titig, gumamti ako ng tingin—mata sa mata—at saka inakay ko ng tingin ang mga mata niya patungo sa gitnang bahagi ng twalya ko.
Hindi namin kailangan ang mga salita—kadalasan ang mga salita ang pinakamahinang tagapaghatid ng mensahe—sapat na ang katahimikan at ang aming mga mata upang malaman ang mga nais naming sabihin.
Humiwalay ang mga twalya sa aming mga katawan.
Lalong uminit ang dry sauna.
Malalagkit ang mga salitang narinig ng mga dingding.
“M-malapit…na ‘koh…”
“U-uhm…I’m..c-coming….”
Umagos ang mga pawis, nagpalitan ang mga laway, at lumapot ang mga katas.
Natapos ang maalab na katahimikan.
Lumabas siya, bumalik ako sa shower para maligo at piliting tunawin pa sa katawan ko ang Ivory. Paglabas ko ng shower, nasa harap s’ya ng salamin, nakangiti siya, ngiting punung-puno ng malisya.
Hindi ako umimik.
Hindi ako makapaniwala—naka-Instructor’s uniform s’ya.
Dumaan ako sa likod n’ya papalabas ng Men’s Dressing Area.. “Thank you for coming, sir…” sabi n’ya.
Binato ko s’ya ng isang matamis na ngiti.